Wednesday, July 29, 2026

Gamit ng isang media network, ninakaw habang nasa compound ng Senado

Kinumpirma ng Pasay City Police Office na may nangyaring nakawan sa loob ng compound ng Senado.

Ayon sa Pasay Police, kabilang sa mga nanakaw ang isang flat-screen television; dalawang HP printers; dalawang folding long tables; isang extension wire/cable; tatlong pocket Wi-Fi devices; isang stool ilang office supplies kabilang na ang alcohol, at adhesive tape.

May muntikan pa umanong ilusot na isang gamit pero dahil sa liit ng butas ay hindi ito nailabas ng mga kawatan.

Ayon kay Pasay CPS Police Col. Joselito de Sesto, nadiskbre ang insidente dakong alas-5:04 kaninang madaling araw.

Lumalabas na nilagari ng mga kawatan ang bakal na perimeter fence ng Senado ay dito ang ginawang entry at exit ng mga suspek.

Inaalam na rin nila kung kailan nangyari ang nakawan dahil ngayon lang natanggap ang report.

Facebook Comments