Wednesday, July 29, 2026

Mga akusasyon ni Sen. Ping Lacson, tinawag na malisyoso ni Sen. Alan Peter Cayetano; senador, haharapin ang reklamo

Tinawag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na “malicious accusations” ang paratang ni Senator Ping Lacson na may mga katiwalian sa infrastructure projects sa lungsod ng Taguig.

Sinabi ni Cayetano sa kanyang Facebook live na kung sa tingin ni Lacson ay valid ang kanyang mga alegasyon laban sa kanya ay iginagalang niya iyon subalit sa kanyang pananaw ay malisyoso ito dahil hindi niya alam kung ano ang eksakto at bakit ganito ang naging akusasyon laban sa kanya.

Nagulat din aniya siya na ikinumpara sa Bulacan ang Taguig City dahil napakalayo sa totoo ang sitwasyon sa kanilang lungsod na nagpamalas ng good governance sa halos 20 taon.

Sinabi ni Cayetano na kaisa naman siya sa paghahangad ng accountability at sasagutin niya ito sa tamang venue at tamang panahon.

Facebook Comments