DRIVER AT BACKRIDE NITO, PATAY SA AKSIDENTE

30
Nasawi ang driver at ang backride nito matapos ang head-on collision ng sinasakyang motor at SUV sa Nagcuertelan, Aritao, Nueva Vizcaya kagabi, Agosto, 10, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Aritao, tinatahak ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksyon nang biglang pumasok sa linya ng Isuzu MUX ang Mitsukoshi K-blade 125 motorcycle na wala pa umanong headlight na nag resulta sa salpukan ng mga ito.

Sa lakas ng impak, tumilapon ang isa sa mga biktima sa bangin na may lalim na limang metro at narekober lamang ito kaninang 6:00 ng umaga.

Sinubukan pang iwasan ng SUV ang mga biktima ubalit bumangga parin.

May ginagawa umanong construction sa lugar kung saan naganap ang aksidente.

Kinilala ang nasawing driver ng motorsiklo na si Racquel Urbano, 31 taong gulang, residente ng Lejao Subdivision, Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya habang ang backride naman nito ay si Jake Bautista.



Samantala, nabalian naman ng paa ang isa pang angkas na si Allen Bautista.

Pauwi galing sa pinuntahang lamay ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments