Friday, June 26, 2026

Mga Pilipino, hindi kuntento sa mga ginagawa ng pamahalaan para tugunan ang pangunahing pangangailangan bilihin —Tangere Survey

Nakukulangan ang mga Pilipino sa pagtugon ng Marcos administration sa hirap ng kanilang buhay.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Martin Peñaflor, ang Tangere President at Founder, na batay sa kanilang pinakahuling survey kung saan tinanong ang nasa 1,200 respondents.

Kabilang sa mga isyu na nakukulangan ang mga pilipino sa pagtugon ng gobyerno ay ang mahal na presyo ng pagkain at mga bilihin, access sa malinis na tubig, at mataas na presyo ng enerhiya.

Iginiit naman ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) National president RJ Javellana Jr. ang kahalagahan ng pagtugon sa mga problema sa basic commodities.

Ani Javellana, mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa pangangalampag sa pamahalaan para solusyunan nito ang mga suliranin sa bansa.

dahil dito hinamom ng UFCC si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makialam at maglatag na ng mga solusyon para sa maayos na supply ng tubig sa bansa.

Facebook Comments