Drug surrenderee, arestadosa drug buy bust operation

Kalibo, Aklan – Arestado ang isang lalaki matapos isinailalim sa buy-bust operation kanina sa Sitio Libtong, Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan.
Ang suspek ay nakilala kay Hilario Fuentes Regalado alyas “Amboy”, 48-anyos at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Regalado matapos na makipag transaction sa mga otoridad ng isang sachet ng shabu kapalit ng P 1, 500.00 na buy-bust money.
Ayon kay PMaj. Frensy Andrade, head ng PDEU-Aklan ay matagal na rin nila itong minomonitor pero may pagka mailap nga lang.
Napag-alaman na mga estudyante ang karamihan sa kanyang kleyente dito sa Kalibo at meron din sa mga katabing bayan.
Itinanggi naman ng suspek na kanya ang nasabing droga. Ayon sa kanya mag rerefil sana sya ng tubig ng biglang hinarangan ng kotse ang kanyang tricycle at saka sya hinuli kung saan meron pang resistance sa kanyang parte.
Sa ngayon ay kulong si Regalado at mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments