Wednesday, June 24, 2026

Sen. Estrada, nakaalis na sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame patungong Sandiganbayan; Ex-DPWH Sec. Bonoan nasa ospital ng PNP matapos tumaas ang BP; iba pang sangkot sa plunder case

Nakaalis na sa tanggapan ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame sa Quezon City si Senator Jinggoy Estrada matapos itong arestuhin ngayong araw sa Senado.

Paglilinaw ni SILG Jonvic Remulla si Estrada ay inaresto at hindi sumuko.

Kinumpirma din nito na natapos nang gawin ang booking procedure, medical examination at mug shots ng Senador.

Kasama dumating kaninang mga 3:30 ngayong hapon ng nasabing Senador si SILG Jonvic Remulla at Senate President Alan Peter Cayetano.

Dumating na rin kanina ang pamilya ni Senator Estrada na pumasok naman sa PNP-CIDG National Capital Region (NCR).

Kanina ay naiulat na rin na nasa loob na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ,na isa sa mga kapwa akusado ni Senator Jinggoy Estrada para sa kasong plunder.

Na kasalukuyan ngayong nasa pnp general hospital dahil tumaas ang kanyang BP na umabot sa 192/100

Habang mau isa pa umanong pumunta dito sa CIDG na aksama sa mga makakasuhan.

Kunumpirma rin ni Remulla na patungo na ang 2 pang iba pang sangkot.

Ibig sabihn nito all accounted na ang mga sangkot sa nasabing kaso.

Sa ngayon nasa kamay na at nasa desisypn na ng Sandiganbayan kung saan i-de-detain ang mga nasabing indibidwal.

Facebook Comments