Batay sa Dagupan City Police Office (DCPO) Police Station 1, parehong direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan nang nagsagawa umano ng parallel-position left turn ang truck bus para lumiko sa Mangatarem Bus Terminal.
Tinangka naman umanong mag-overtake gamit ang shoulder lane ng SUV-Type van at doon umiwas at dumiretso sa gilid ng kalsada.
Ngunit, ayon sa 22-anyos na drayber ng SUV-Type van, bigla umanong lumiko pakaliwa ang bus nang hindi gumagamit ng signal dahilan upang mapilitan siyang lumipat sa kasalungat na lane upang maiwasan ang posibleng salpukan na sanhi ng pagkataob nito at pagbangga sa mga konkretong harang ng gilid ng kalsada.
Sugatan ang isa sa mga sakay ng SUV-Type van na isinugod pa sa ospital.
Patuloy pa umanong iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente para matukoy ang eksaktong sanhi ng aksidente at kung may pananagutan ang alinman sa dalawang driver. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








