
Nagsanib-pwersa ngayon ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Coalition for the Family and the Constitution (NCFC) upang palawakin pa ang koordinasyon na layong i-angat ang support systems para sa mga pamilyang Pilipino.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Ada Colico, nagkasundo sila ni dating chief of justice ng Supreme Court at ngayon ay convenor ng NCFC, Atty. Maria Lourdes Sereno, na suportahan para sa pagkaisahin ang values-based lessons patungo sa modules na gagamitin sa implementasyon ng Parent Effectiveness Service (PES) Program.
Paliwanag pa ni Colico na ang Parent Effectiveness Service ay isang national program na nakatuon sa pagpapalakas ng mga Filipino parents at parent-substitutes na gawing maayos ang kanilang parental duties and responsibilities.
Ipinaliwanag naman ni DSWD Undersecretary Vilma Cabrera ng Conditional Cash Transfer Group (CCTG) na nakiisa rin sa pagpupulong at nagbahagi sa NCFC ng overview ng family development session (FDS) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).