DSWD, may mga bagong hotline upang asikasuhin ang mga nangangailangan ng tulong kahit weekends

127

Nagbukas ng mga bagong hotlines ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa layuning gawing accessible sa publiko ang kagawaran kahit tuwing weekends.

Kabilang sa mga bagong ng hotlines operations center ng DSWD ay ang sumusunod:

Sa SMART:
• 0943-4648026
• 0943-4648086
Sa Globe:
• 0995-7153926
• 0995-7153934


Bukas na tumanggap ng tawag ang AOC ng 8:00 AM hanggang 6:00 PM mula Lunes hanggang Biyernes
at mula 8:00 AM to 5:00 PM tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ding makipag-ugnayan ang publiko sa DSWD sa pamamagitan ng official Facebook at Twitter accounts, @dswdserves, magpadala ng mensahe sa e-mail sa inquiry@dswd.gov.ph.

Paalala ng DSWD sa publiko, palagiang gamitin ang mga official hotline numbers at iba pang platforms ng ahensya para makatanggap ng eksaktong impormasyon at kaukulang aksyon sa kanilang mga pangangailangan.



Layon na rin ng hakbang na maprotektahan ang publiko sa mga fake news lalo na ang mga scammer.

Facebook Comments