PESO Manila, muling nagkasa ng job fair ngayong araw

46

Muling nagkasa ng job fair ang Public Employment Service Office (PESO) Manila sa pangunguna ng mga bagong halal na opisyal ng lokal na pamahalaan na sina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo.

Ikinakasa ang job fair sa Park N’ Ride Bldg. sa may bahagi ng Lawton, Ermita, Manila.

Nagsimula ang job fair ng alas-9:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-4:00 ng hapon.


Nasa 15 na partner employers ang inimbitahan ng PESO Manila para sa nasabing okasyon.

Katumbas ito ng humigit kumulang 1,500 job vacancies kung saan kinakailangan lamang na magparehistro sa link na makikita sa official social media page ng PESO Manila.

Paalala naman ng PESO Manila, hindi na kailangang maghintay ng tawag ang isang nais mag-apply kung saan ipakita na lamang ang screenshot ng confirmation page sa dulo ng Google form.



Pinapayuhan din ang lahat na magdala ng updated resume na hanggang sampung kopya at black ball pen.

Facebook Comments