DSWD, nagkaloob ng tulong sa mga nasawing manggagawa sa construction site na naguhuan ng lupa sa Tagaytay City

79

Nagkaloob ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng mga nasawi at nasugatang trabahador na naguhuan ng lupa sa isang construction site sa Barangay Kaybagal Central, Tagaytay City.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, anim na construction workers ang nasawi sa landslide habang dalawa ang ginagamot sa ospital.

Nakapagkaloob na ang field office ng ₱10,000 financial assistance sa mga naulila ng mga nasawi nito.


Ito’y maliban sa ₱25,000 na burial assistance.

Nakatanggap din ng tig-₱10,000 na financial assistance ang mga nasugatan sa insidente.

Pinatitiyak din ng DSWD sa construction company na mapagkakalooban nila ng tulong ang mga apektadong pamilya.



Payo ng DSWD sa publiko, maging handa sa mga landslide at iba pang aksidente ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments