
Nakatutok na rin ang ilang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Trade in Industry (DTI) at Department of Energy (DOE) sa presyo ng bilihin sa Eastern Visayas.
Ito’y kasunod ng pagtataas sa blue alert status sa naturang lugar dahil sa sitwasyon ng San Juanico Bridge.
Ayon sa DTI, tinitiyak nilang hindi magbabago ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin para sa ating mga kababayan lalo pa’t apektado talaga ang pagde-deliver ng mga perishable goods gaya ng karne, bigas, gulay at mga isda isama pa ang essential goods gaya ng bigas.
Kailangan pa kasing gumamit ng barko ngayon para maitawid lamang ang mga pagkain.
Kung kaya, pinag-iisipan na nilang magbukas ng pondo o humiling sa Department of Agriculture (DA) para ma-subsidize ang naturang mga produkto.
Samantala, nakabantay naman ang Energy Department para naman sa presyo ng langis sa naturang lugar.
Una nang sinabi ng mga ahensiya ang posibilidad na i-subsidize ng gobyerno na apektado ng load limit sa San Juanico ang mga produkto.