
Dumating sa Senado si dating Senator Antonio Trillanes IV kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) para isilbi ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Bato dela Rosa.
Sa sesyon kanina sa plenaryo ay sinita ni Dela Rosa na naririto sa loob ng Senado si Trillanes kasama ang NBI at nagmosyon na paalisin ang mga ito sa gusali.
Pero ayon kay Trillanes, hinamon umano siya ni Bato na samahan ang ICC kapag aarestuhin siya.
Ito aniya ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon sa Senado at kasama ang NBI para isilbi ang naturang warrant.
Ipinakita rin ni Trillanes ang kopya ng warrant of arrest mula sa ICC.
Sinabi ni Trillanes na hindi na dapat palabasin ng Senado si Sen. Bato at may sinusunod na batas kung saan pwedeng isuko ng government authorities si Dela Rosa na nahaharap sa kaso sa international tribunal.
Samantala, kasalukuyang naka-lockdown ang Senado at wala munang nakakapasok dito.










