DZXL Radyo Trabaho team, naglibot sa Barangay 73, Caloocan City

Unang sinuyod ng DZXL Radyo Trabaho team ngayong araw ang Barangay 73 sa Caloocan City.

Sa panayam ng DZXL Radyo Trabaho team kay Barangay Secretary Andy Estrella, sinamantala nito ang pagkakataon para ianunsyo sa kanilang constituents na abangan ang bagong barangay health center na kanilang itinatayo.

Ayon kay Estrella, matatapos na sa susunod na buwan ang kanilang bagong health center at ang lumang health center aniya ay gagawin nang day care center.


Ikinalugod din ng mga opisyal ng Barangay 73 ang kanilang partnership sa DZXL Radyo Trabaho sa pamimigay ng trabaho sa kanilang constituents.

Nagpapatuloy rin ang pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho team sa mga bahay-bahay sa Barangay 73 para mamahagi ng exclusive na mugs at Radyo Trabaho calendar.

Facebook Comments