DZXL RMN Family Sports Bonding 2022, aarangkada na ngayong araw

16

Aarangkada na ngayong araw ang DZXL RMN Family Sports Bonding 2022.

May temang “Sama-sama sa bagong pag-asa” ang gaganaping sports bonding kung saan kasama rin ng DZXL Radyo Trabaho team ang RMN Head Office, RMN Multi-Media Ventures (RMN-MMV), DWWW 774, at iFM 93.9 Manila.

Gaganapin ang opening ceremony mamayang ala-1:00 ng hapon at susundan ng laban ng basketball sa pagitan ng DZXL at DWWW sa alas-2:30 ng hapon.


Makakaharap naman ng losing team ang koponan ng RMN – MMV alas-4:00 ng hapon.

Bukod sa basketball, magkakaroon din ng table tennis at unang magtatapat sina DZXL RadyoManager Buddy Oberas at Joel Gorospe ng DWWW 774.

Samantala, kasabay ng unang laro ng basketball ay magtatapat naman ang volleyball teams ng DZXL Pink Team at DWWW 774.



Susundan ito ng DZXL Blue Team at RMN MMV.

Ang DZXL Sports Bonding ay dalawang araw gaganapin sa Guadalupe Gym sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.


Facebook Comments