Tuesday, June 30, 2026

Mga raliyista, bigo na makakuha ng permit para makapag-rally sa People Power Monument

Wala umanong naipakitang permit to rally ang mga raliyista sa EDSA People Power Monument.

Ito ang kinumpirma ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Major Hazel Asilo.

Gayunman, ayon kay Major Asilo, hahayaan muna nila ang mga raliyista na mag- extend ng kanilang pananatili sa People Power Monument basta’t hindi sila makakaapekto sa daloy ng makapagpatuloy ng kanilang aktibidad.

Ayon naman sa isang lider ng isang grupo, hindi na sila dapat hanapan ng permit dahil karapatan ninuman na magpahayag sa mga public park.

Sa ngayon aniya ay umakyat na sa 14,500 ang bilang ng mga nakikibahagi sa rally for transparency and better democracy.

Nagdagdag naman ng pwersa ng pulisya sa paligid ng People Power Monument.

Ani Major Asilo, nasa 2500 personnel na ang naka-deploy sa lugar.

Katatapos lang magtalumpati nina Senador Allan Peter Cayetano at Atty. Ferdinand Topacio.

Ayon kay sa INC member at vlogger na si Christopher Guzman, sana ay marinig ang kanilang panawagan na unahin muna ang bayan at di ang pagkakampi-kampi.

Facebook Comments