
Nilinis na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang listahan ng mga contractor na maaaring kumuha ng mga proyekto ng pamahalaan.
Kasunod ito ng direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. na agad ilabas ang pondo para sa mga nakalatag na proyektong pang-imprastraktura upang matapos ang mga ito sa oras at agad mapakinabangan ng publiko.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakapaskil na sa website ng DPWH ang listahan ng mga blacklisted at napatunayang tiwaling contractor upang hindi na muling makakuha ng proyekto sa gobyerno.
Sinabi rin ni Castro na humihingi siya sa DPWH ng listahan ng mga contractor na may magandang rekord at tumutupad sa kanilang mga kontrata.
Kasabay nito, hinikayat ng pamahalaan ang mga contractor na may malinis na rekord na lumahok sa bidding para sa mga proyekto ng gobyerno.
Tiniyak naman ng Department of Budget and Management (DBM) na ang pondo ay ilalabas lamang para sa mga kwalipikado at mapagkakatiwalaang contractor.










