Education Secretary Leonor Briones, mag-iikot ikot sa ilang paaralan sa unang araw ng pasukan

Manila, Philippines – Mag-iikot si Education Sec. Leonor Briones sa ilang paaralan kasabay ng pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral ngayong araw.

Partikular na pupuntahan ni Briones ang President Corazon Aquino Highschool sa Port Area at ang Ramon Magsaysay Highschool sa EspaƱa, Maynila.

Dito ay personal na aalamin ng kalihim ang mga isyung kakaharapin ng mga estudyante at ng mga guro sa unang araw ng klase.


Kasabay nito, patuloy namang babantayan ng Department of Education ang sitwasyon ng iba pang mga paaralan sa bansa.

Samantala, dalawang libong traffic enforcer ang ipapakalat ng Metro Manila Development Authority sa mga pangunahing lansangan para alalayan ang mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan at bilang paghahanda na rin sa nakakasang transport caravan ng grupong Piston.
DZXL558

Facebook Comments