EDUCATIONAL ASSISTANCE, IPINAGKALOOB SA MGA BATANG MAY KAPANSANAN SA URDANETA CITY

Nagkaloob ng educational assistance sa mga Children with Disabilities o CWDs ang lokal na pamahalaan ng Urdaneta City bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week.

‎Isinagawa ang aktibidad sa temang “Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development,” na nakatuon sa pagsusulong ng pantay na oportunidad at mas aktibong partisipasyon ng mga persons with disabilities sa komunidad.

‎Naging tampok sa programa ang pamamahagi ng educational assistance sa mga batang may kapansanan upang makatulong sa kanilang pag-aaral at patuloy na development.

‎Kinilala rin sa selebrasyon ang Stimulation and Therapeutic Activity Center o STAC–Urdaneta City matapos itong makatanggap ng Certificate of Accreditation mula sa Department of Social Welfare and Development, na may bisa sa loob ng tatlong taon.


‎Ang accreditation ay pagkilala sa pagsunod ng center sa mga pamantayan para sa paghahatid ng social welfare at developmental services para sa mga bata at kanilang pamilya.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy nitong isusulong ang mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga batang may kapansanan upang masuportahan ang kanilang edukasyon, kakayahan at pakikilahok sa komunidad.

‎Bahagi rin ito ng layunin ng lungsod na palakasin ang inclusivity at accessibility ng mga programa at serbisyo para sa persons with disabilities at kanilang mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments