HIGIT 1,000 PANGASINENSE, DUMALO SA ISINAGAWANG SPECIAL OVERSEAS JOB FAIR SA LINGAYEN

Mahigit isang libong Pangasinense ang dumalo sa ginanap na Special Overseas Job Fair na inilaan ng lokal na pamahalaan para sa mga naghahanap ng trabaho sa Lingayen noong Biyernes.


‎Layunin ng job fair na mabigyan ang mga aplikante ng mas maraming oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa.


‎Nakiisa rin sa aktibidad ang iba’t ibang recruitment at government agencies upang tulungan ang mga aplikante sa kanilang mga aplikasyon at paghahanap ng angkop na trabaho.

‎Inaasahang magbubukas pa ito ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments