Dalawang bagong proyektong pang-imprastraktura sa mga barangay ng Osiem at Guesang sa Mangaldan ang ininspeksyon ng lokal na pamahalaan noong Hulyo 27, 2026.
Batay sa ulat, nakatakda na umanong buksan ang mga ito sa publiko matapos ang matagal na problema sa pagbaha at maputik na kalsada.
Kasabay nito, inilatag din ang planong drainage project para rin sa problema sa pagbaha sa lugar.
Samantala, sa Barangay Guesang, inaasahang mapapadali ang pagbiyahe ng mga residente at pagdadala ng mga agricultural products sa kanilang bagong farm-to-market road.
Pinondohan ang mga proyekto sa ilalim ng 20% Development Fund ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagtugon sa matagal nang mga suliranin sa accessibility at transportasyon sa mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








