Wednesday, July 29, 2026

3 kriminal na kaso laban sa taxpayers na hindi nagbabayad ng buwis, inihain ng BIR sa DOJ

Sinampahan ng tatlong kasong paglabag sa National Internal Revenue Code ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO-linked company, construction firm at dalawang VAT-registered real estate sellers na may mahigit P416 million umanong buwis na hindi binayaran.

Sangkot umano sa may pinakamalaking kaso ay ang Zun Yuan Technology Inc. at mga opisyal nito na umano’y hindi nagbayad ng P402.74 million tax liability at hindi rin nagbigay ng tamang impormasyon kaugnay ng tax returns.

Samantala, sinampahan din ng BIR ng kaparehong kaso ang AEP Construction at mga opisyal nito dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng P6.02 million na buwis at hindi pagdedeklara ng kanilang taxable income; habang kabilang din sa repondents ng nasabing kaso ay ang dalawang VAT-registered real estate sellers, na umano’y hindi rin nagbayad ng P7.31 million na buwis at may VAT deficiencies.

Mariing iginiit ni Commissioner Charlito Martin Mendoza na patuloy umanong hahabulin ng ahensya ang mga taxpayer na tumatakas sa pagbabayad ng buwis dahil nararapat umanong panagutin ang mga ito sa batas at para maging patas rin sa mga taxpayer na matapat na nagbabayad ng buwis.

Facebook Comments