Creamline, pasok na sa semi finals matapos lampasuhin ang choco mucho

76

Inilampaso ng Creamline Cool Smasher ang Choco Mucho Flying Titans, 25-22, 25-14, 25-22, sa mainitang salpukan ng dalawang koponan sa PVL Invitational Conference nitong Sabado.

Resbak ito ng Creamline matapos na talunin kamakailan ng PLDT.

Nanguna sa panalo ng koponan si Tots Carlos na umiskor ng 25 points, 23 attacks at 2 blocks habang nakapagtala ng 10 points si Jema Galanza.


Dahil sa panalo, pasok na sa semi finals ang Creamline.

Matatandaang ilang players ng Choco Mucho ang hindi naglaro kagabi matapos na magpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments