
Naka-alerto na ang El Niño Preparedness Task Force ng lungsod matapos magsagawa ng pagpupulong kaugnay sa kahandaan laban sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon sa mga susunod na buwan.
Nagbigay rin ng ulat si Chief Meteorological Officer Jose T. Estrada Jr. ng PAGASA Dagupan hinggil sa kasalukuyang estado ng El Niño-Southern Oscillation (ENSO) at ang Climate Outlook mula Abril hanggang Setyembre 2026.
Ayon naman sa mga mangingisda at magsasaka, sa kasalukuyan ay wala pang nararanasang negatibong epekto ang El Niño sa kanilang hanapbuhay.
Tinalakay rin sa pulong ang banta ng grassfire, kung saan nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga barangay na iwasan ang pagsusunog ng mga tuyong damo dahil maaari itong magdulot ng panganib sa komunidad.
Samantala, patuloy na mino-monitor ng task force ang suplay at demand sa tubig at kuryente bilang bahagi ng kanilang paghahanda.
Tiniyak ng pamahalaang lungsod na mananatiling handa at maagap ang kanilang mga hakbang upang mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










