Tampok ang mga makabagbag-damdaming Marian at religious songs na sumasalamin sa pananampalataya at kulturang Pilipino sa Serenata sa Coronada – Choral Competition sa loob ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag noong April 11, 2026.
Hindi pinalagpas ng maraming deboto at manonood ang pagtatanghal ng iba’t ibang choral groups mula sa lalawigan na nagbigay-pugay sa Birheng Maria sa pamamagitan ng pag-awit.
Tinanghal na kampeon ang Calasiao Chamber Chorus, na nagwagi rin sa mga espesyal na parangal tulad ng Best in Opening Performance, habang kinilala naman si Christopher Jay Maniquez bilang Best Conductor.
Nag-uwi ang mga nagwagi ng gantimpalang ₱100,000 para sa kampeon, ₱75,000 para sa 1st Runner-Up, at ₱50,000 para sa 2nd Runner-Up, kalakip ang kanilang Diploma of Excellence bilang pagkilala sa kanilang natatanging husay sa larangan ng chorale music.
Ang naturang kaganapan ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng koronasyon ng Our Lady of the Rosary of Manaoag, na naglalayong ipakita ang galing ng mga Pilipino sa musika habang pinapalalim ang debosyon ng mga mananampalataya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










