ADOPT-A-CLAM PROGRAM, NAG-UMPISA NA SA BAYAN NG BOLINAO

Sinong mag-aakalang ang pagiging “parent”ay pwedeng simulan sa ilalim ng dagat? Kilalanin ang mga baby clams na itinuturing na “Little Giants”ng karagatan.

Ngayong Abril 20 hanggang 24, bubuksan ng Bolinao Marine Laboratory ang kanilang pintuan para sa isang kakaibang “Open House.”Dito sa Bolinao, Pangasinan, hindi lang basta pasyalan ang bibida, kundi ang pagkakataong makapag-adopt ng sarili mong Giant Clam o Taklobo para makatulong sa ating kalikasan na programa ng University of the Philippines Marine Science Institute.

Sa halagang 500 pesos bilang “Clam Friend”hanggang 5,000 pesos para maging “Clam Benefactor,”magkakaroon ka na ng sariling baby clam na aalagaan sa Silaqui Ocean Nursery, ang itinuturing na pinakamalaking nursery ng mga taklobo sa buong Pilipinas!

Bilang “Clam Parent,”makakatanggap ka ng adoption certificate at sa mas mataas na donation, may bonus pang Hatchery tour at Ocean nursery visit.

Ayon sa pa UPMSI, ang mga giant clams na ito ang nagsisilbing “protektor”ng ating mga reef, kaya naman bawat adoption ay malaking tulong para muling sumigla ang ating karagatan.

Kaya naman sa mga gustong makakita ng marine life up close at makasali sa mga fun games ngayong Abril 24, 2026 sa Bolinao Marine Laboratory.

Hindi lang ito basta trend, isa itong “Small Act”na may “Big Impact.”Para sa mga interesado, i-check lang ang kanilang official Facebook page para sa online registration.

Facebook Comments