Electrical upgrade works sa NAIA Terminal 3, umusad na

Umusad na ang planned electrical maintenance at upgrading operation sa NAIA Terminal 3.

Partikular ang pag-upgrade sa main unit cables na dumudugtong sa Meralco at MIAA main substations.

Kabilang din sa pinalitan ang vacuum circuit breakers at protection relays upang maiwasan ang mga biglaang pagkawala ng supply ng kuryente.


Magugunitang ilang holidays na nagkaroon ng aberya sa power supply sa NAIA 3 kung saan maraming flights ang naapektuhan.

Facebook Comments