Mayor Isko Moreno, dinipensahan ang ginawang pagpapakita ng suporta sa kaniya ni Mocha Uson

371

Dinepensahan ni Mayor Isko Moreno sa mga kritiko ang ginawang pagpapakita ng suporta sa kaniya ng kontrobersyal na political blogger na si Mocha Uson.

Ayon kay Mayor Isko, nagpapasalamat siya sa naging desisyon ni Mocha na suportahan ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo at masaya siya dahil nadagdag ito sa kaniyang grupo.

Hinggil naman sa mga batikos ng ilan kung saan sinasabi nila na maraming kinakaharap na reklamo o kaso si Mocha, inihayag ng alkalde na may mga umiiral naman na batas na siyang bahala para malaman ang sagot o paliwanag ng dating opisyal din ng pamahalaan.


Iginiit naman ni Mayor Isko Moreno na wala siyang pinipili kung sino ang nais na sumama sa kanila lalo na’t higit nilang kailangan ang lahat ng tulong na makukuha.

Tulad ng ginawa ni Mocha, hangad din ng pambato ng Aksyon Demokratiko na mabago ang pananaw ng publiko kung saan nais niya na mag-switch to Isko na rin ang iba.

Facebook Comments