Emergency loan program para sa miyembro at pensioner sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na pag-ulan, inaalok ng GSIS

Maaari nang humiram ang mga kwalipikadong miyembro ng emergency loan na aabot hanggang P20,000 ang mga miyembro at pensioners sa ilalim ng GSIS Emergency Loan program.

Ayon sa Government Service Insurance System (GSIS), nag-aalok sila ng state pension fund o emergency loan program para sa mga miyembro at pensioner sa Davao Del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental at Davao City na naapektuhan ng flash flood at landslide dahil sa malakas na pag-ulan.

Ang mga may balanse sa emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang outstanding emergency loan balance.


Samantala, ang mga miyembro at pensioner ay maaaring mag-apply para sa loan gamit ang GSIS Touch mobile application ng nasabing ahensya.

Facebook Comments