ENGKWENTRO | Tulak ng droga, patay sa buy-bust operation sa Valenzuela

12

Manila, Philippines – Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Nasawi sa operasyon ang drug pusher na nakilala lang sa alyas “Toto”.

Sinasabing isinugod pa sa ospital ang suspek pero idineklara ring dead-on-arrival.

Nagsimula ang palitan ng putok ng baril nang mahalata ni Toto na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Narekober naman sa lugar ang ilang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Pahaharapin naman sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang mga naaresto.

Facebook Comments