EO sa price ceiling ng pork at chicken products sa NCR, tamang hakbang sa harap ng tumataas na presyo ng bilihin

89

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (EO) No. 124 na nagtatakda ng price ceiling para sa pork and chicken products sa National Capital Region (NCR).

Magugunitang ipinanawagan ni Senator Go ang paglalabas ng nabanggit na EO para maawat ang tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng pagkain.


Diin ni Go, kailangan ang ganitong solusyon lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami pang mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho bunga ng COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Go na mas lalong mahihirapan ang ordinaryong Pilipino kung wala na nga silang pambili ng pagkain ay tataas pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments