Epekto ng Alert Level 1, makikita sa loob ng 2 linggo

Sampu hanggang 14 na araw bago makita ng Department of Health (DOH) ang epekto ng pagbaba sa Alert Level 1 sa Metro manila at 38 iba pang mga lugar.

Inihayag ito ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire matapos ngang pairalin na sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar ang Alert Level 1.

Samantala, sa ilang lugar sa Metro Manila ay mahigpit pa rin ang pinaiiral na health protocols.


Kabilang dito ang pagpapasok sa establishments ng mga bakunado lamang kung saan required ang pagpapakita ng vaccination card bago payagang pumasok sa establishments.

Ilan ding mga sinehan sa Metro Manila ang nag-o-operate na ng 100 percent capacity.

Facebook Comments