Thursday, September 10, 2026

Magkapatid na sina Senators Alan at Pia Cayetano, kumpirmadong lumabas sa bansa ayon sa Bureau of Immigration

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na kasalukuyang nasa labas ng bansa ang magkapatid na sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.

Ayon sa BI, batay sa kanilang rekord, wala umanong hold departure order o anumang derogatory record laban sa dalawang senador sa oras ng kanilang pag-alis ng Pilipinas.

Dahil dito, wala umanong ligal na hadlang para pigilan ang kanilang pagbiyahe sa ibang bansa.

Samantala, sinabi rin ng BI na alinsunod sa Data Privacy Act of 2012, hindi nito maaaring isapubliko ang iba pang detalye ng kanilang biyahe.

Kabilang ang destinasyon, itinerary at iba pang kaugnay na impormasyon.

Una rito, naging usap-usapan ang paglabas ng bansa ni Senator Alan sa gitna ng imbestigasyon sa reclamation activity sa Laguna de Bay.

Una nang ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nasa ₱3.7 billion na halaga ng public funds ang posibleng nagamit sa hindi otorisadong reclamation at flood control projects sa naturang area sa Taguig City.

Facebook Comments