
Pinaiimbestigahan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang epekto ng online gaming platforms at paggamit ng social media sa mga bata.
Kaugnay na rin ito sa pagdami at pagtaas ng bilang ng mga nangyayaring karahasan na kinasangkutan ng mga kabataan.
Sa Senate Resolution 488 na inihain ni Gatchalian, layunin na magrekomenda at magsulong ng mga polisiya at panukalang batas na poprotekta sa mga batang Pilipino laban sa masamang epekto ng pagkakalantad sa digital exposure.
Binigyang-diin ng Senate President na hindi na maaaring baliwalain ang epekto ng kawalan ng kontrol na digital exposure sa mga kabataan.
Napapanahon na rin aniya na tiyakin ang sapat na mga polisiya na magbibigay proteksyon sa mga kabataan.
Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Basic Education noong nakaraang taon, sinabi ng Department of Education (DepEd) na mayroong 103 insidente ng bullying ang nauwi sa karahasan mula November 24, 2022 hanggang April 7, 2025.










