Monday, June 29, 2026

PSC, kinilala ni PBBM para sa pagprotekta nito sa pangulo at Republika ng Pilipinas

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Presidential Security Command (PSC), para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng Pangulo sa harap ng patuloy na pagbabago ng mga banta sa seguridad.

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng PSC sa Malacañang Park, sinabi ni Marcos na hindi lamang ang Unang Pamilya ang pinoprotektahan ng PSC kundi maging ang mga institusyong nagpapatatag sa demokrasya at Republika.

Nagpasalamat din ang pangulo sa dedikasyon at sakripisyo ng mga tauhan ng PSC na patuloy na nagbabantay upang matiyak ang kanyang kaligtasan at maayos na pagtupad sa tungkulin.

Binigyang-diin din ni Marcos na lalo pang mahalaga ang papel ng PSC
Sa okasyon, pinarangalan din ng pangulo ang mga natatanging miyembro ng Security Task Action Group dahil sa kanilang huwarang serbisyo.

Ang PSC, na dating Presidential Security Group, ang yunit na nangangasiwa sa seguridad ng pangulo, unang pamilya, at Malacañang.

Facebook Comments