Wednesday, July 1, 2026

Organizers ng rally ng INC, posible pa ring maharap sa kaso —PNP

Posible pa ring maharap sa kaso ang mga organizer ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) matapos ang mga nangyaring insidente sa kasagsagan ng kanilang protesta kahapon.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Allen Rae Co, iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing insidente kasama na rito ang pangangalap ng mga karampatang ebidensya.

Ngunit sa ngayon, inuuna lang munang ayusin ng pulisya ang daloy ng trapiko at tiyakin ang seguridad sa lugar habang isinasagawa ang maximum tolerance ng kanilang mga tauhan.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Co na pinakawalan na ang apat na inaresto sa nangyaring komosyon kahapon.

Kung saan ang bus driver na nag-atras abante sa isang pulis ay nagkaaregluhan na habang ang tatlong iba pa ay biniberipika pa ang pagkakakinlan .

Patuloy naman ang mga isinasagawang kilos protesta ng INC sa People Power Monument sa Quezon City kung saan inaasahang matatapos ito ng als-otso ng gabi base na rin sa permit na ibinigay sa kanila ng Quezon City Government.

Facebook Comments