
Humarap sa National Police Commission (NAPOLCOM) ngayong Lunes, June 29 ang pulis na sangkot sa isang viral video na umano’y nanutok ng baril sa isang tindahan sa Barangay Antipolo, Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Lasing umano ang pulis nang mangyari ang insidente nitong nakaraang Linggo ng gabi, June 21 at kaniya umano itong pinagsisisihan.
Ayon sa pulis, may sinabi umanong hindi maganda tungkol sa kaniyang misis ang biktima, kaya niya ito kinompronta at tinutukan ng baril.
Samantala, sinampahan naman na umano ng kaspng kriminal at administratibo ang nasabing pulis, habang nauna na rin itong naharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 na isinampa mismo ng kaniyang asawa.
Sinibak na sa pwesto ang pulis at kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Provincial Office habang gumugulong ang imbestigasyon.
Samantala, mariin namang iginiit ni Commissioner Rafael Vicente Calinisan na kakambal umano nang pagmamay ari ng baril ang mabigat na responsibilidad.










