Friday, June 26, 2026

Bagong flood control sa bahaing ng Araneta Avenue, QC, epektibo ayon kay PBBM

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ni-rehabilitate na flood control project sa bahagi ng G. Araneta Avenue, Quezon City.

Ayon sa pangulo, epektibo na ang mga unang hakbang ng pamahalaan, kabilang ang paglalagay ng malalaking drainage pipe, dredging sa San Juan River, at paggamit ng mobile pumps upang mapabilis ang pag-agos ng tubig at mabawasan ang pagbaha.

Batay aniya sa ulat ng mga residente, hindi na kasing taas ng dati ang baha at mas mabilis na rin itong humuhupa matapos ang malakas na ulan.

Gayunman, iginiit ng pangulo na kailangang masolusyunan din ang problema sa basurang bumabara sa mga drainage.

Dahil dito, paiigtingin aniya ang declogging at palalakasin ang koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig.

Facebook Comments