
Kinumpirma ni Philippine National Police (PIO) Chief Police Col. Allen Rae Co na natapos na ang isinagawang imbestigasyon sa nangyaring shooting incident sa loob ng isang pribadong paaralan sa Zamboanga City.
Nabatid na ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagkakasawi ng Grade 10 student na biktima at ng shooter nito na isang Grade 8 na estudyante.
Ayon kay Co, titingnan muna ang “completeness” ng mga detalye sa nasabing insidente tsaka ito isusumite kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr.
Pagkatapos na maaprubahan ito ni PNP Chief ito ay ilalabas sa mga concerned institutions kabilang dito ang eskwelahan na Ateneo de Zamboanga University.
Facebook Comments










