Kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinalubong ng mga kilos-protesta

57

Sinalubong ng mga kilos-protesta ang kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA).

Kabilang sa mga nagkilos-protesta ang grupo ng PAMALAKAYA, AMIHAN, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Ayon sa KMP, ilang buwan ng nasa pwesto ang pangulo pero hanggang sa ngayon ay hindi napipigilan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.


Anila, patuloy ring naghihirap ang mga magsasaka at mangingisda na binabarat ang pagbili sa kanilang mga produkto, pero mataas naman ang presyo sa mga pamilihan.

Sinabi naman ng PAMALAKAYA na hanggang sa ngayon ay walang konkretong plano ang pamahalaan para sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments