Friday, October 16, 2026

Pahayag ni Sen. Robin Padilla na dalhin na lang sa ICC ang kinakaharap na reklamong Obstruction of Justice, sinagot ng DOJ

Sinagot ng Department of Justice (DOJ) ang pahayag ni Senator Robin Padilla na mas nanaisin niyang dalhin sa International Criminal Court (ICC) ang reklamong Obstruction of Justice.

Kasunod ito ng pagpapadala ng subpoena ng DOJ kay Padilla at iba pang indibidwal kaugnay sa pagtakas ni Senator Bato dela Rosa mula sa Senado noong Mayo.

Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, tungkulin ng kagawaran na aksyunan ang reklamong inihahain sa kanila.

Ipinunto rin ni Dato na maituturing itong hiwalay lalo’t ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) ang nagsampa ng reklamo laban kay Padilla sa DOJ.

Ipinaliwanag naman ng DOJ kung bakit hindi kasama sina Senator Alan Peter Cayetano at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa mga inireklamo.

Samantala, sinabi rin ni Dato na hindi pa ngayon nire-request sa kanila na ilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) sina Padilla.

Pinahaharap ang mga ito sa DOJ sa September 25 para magsumite ng counter-affidavit sa reklamo.

Facebook Comments