
Kinalampag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi dapat matigil ang imbestigasyon ng Senado sa flood control scam kahit may isasagawang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na maguumpisa sa July 6.
Para kay Cayetano, magiging selective justice kung ititigil ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ngunit sa kabilang banda ay may impeachment trial.
Idiniit ng senador na mas malaki ang pinaguusapang halaga na nawala sa flood control scandal.
Para kay Cayetano, hindi makatwiran ang sinasabi na magpapatawag na lang muli ng imbestigasyon sa flood control scam kapag may bagong ebidensya na lumutang dahil kapag nag iimbestiga, dapat aniya sila ang humahalungkat at nagsisiwalat.
Kung matatandaan, si Cayetano at mga kasamahan nito noon sa mayorya ang nagpaharap sa 18 dating bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co sa isang pulong sa Senado na tumalakay sa umano’y paghahatid ng male-maletang kickback na flood control projects.










