Estudyanteng wanted dahil sa 3 counts ng rape, timbog ng CIDG

Nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang isang 25yrs old na college student na wanted dahil sa 3 counts ng statutory rape.

Kinilala ni CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., ang suspek na si Frederick Garcia Cantillo isa sa top 10 most wanted persons sa Pangasinan.

Ayon kay Gen. Caramat, nagkasa ang CIDG ng manhunt operation at nitong Lunes nasakote ang suspek sa kaniyang hide out sa Brgy. Magsaysay, Agno, Pangasinan.


Nabatid na mayroong nakabinbin na warrant of arrest laban kay Cantillo dahil sa kinakaharap nitong 3 counts ng statutory rape at paglabag sa child protection law o RA 7610.

Base sa mandamyento de aresto na inisyu ni Judge Ruby Ann Trayvilla-Peralta ng Alaminos City, Pangasinan RTC, ₱200,000 ang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek para sa paglabag sa RA 7610 pero walang inirekumendang pyansa para sa kinakaharap nitong 3 counts ng statutory rape.

Facebook Comments