European parliamentarians, nakipagpulong na rin kay Justice Sec. Remulla

Nakipagpulong na rin kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang European parliamentarians.

Nanindigan si Remulla na hindi maaaring diktahan ng EU parliamentarians ang Pilipinas para humarap sa International Criminal Court o ICC.

Ito ay lalo na’t hindi naman miyembro ang Pilipinas ng Rome Statute.


Aniya, tapos na ang panahon na sinakop ang Pilipinas ng isang bansa sa Europa.

Una rito, nakipagpulong na rin sila sa mga kongresista at senador.

Facebook Comments