
Kasalukuyang nasa Red at Yellow Alert status ang Mindanao Grid ngayong araw, Setyembre 9, dahil sa kapos na suplay ng kuryente laban sa mataas na demand sa rehiyon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), umiiral ang Red Alert mula 2:00 PM hanggang 4:00 PM at 5:00 PM hanggang 8:00 PM, habang nakatakda naman ang Yellow Alert sa iba pang mga oras mula tanghali hanggang gabi.
Inihayag ng NGCP na nasa 827.7 MW na kapasidad ang hindi nagagamit dahil sa forced outage ng humigit-kumulang 31 power plants at derated capacity ng walong iba pa.
Naging pangunahing dahilan din ng grid alert ang pagbaba ng kapasidad ng TM2 pati na ang pagbawas sa maipapaabot na kuryente mula sa mga diesel at hydro plants sa Mindanao.
Facebook Comments










