Driver, Pahinante Sugatan sa Pagtaob ng Minamanehong Truck sa Tumauini, Isabela

17
Cauayan City, Isabela- Sugatan ang driver at pahinante ng isang delivery truck na may plakang NBI 4276 matapos itong tumaob pasado alas-10:45 kaninang umaga sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Minanga, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang driver na si Marvin Paz, 44-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Aplaya, Calamba, Laguna at kanyang pahinante na si Jomarie Pigar, 36-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Pitian, Cabuyao, Laguna.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga PNP Tumauini, habang binabagtas ng delivery truck ang hilagang direksyon ng kalsada ay may taong biglang tumawid kung kaya’t bigla nitong iniwasan ang naturang indibidwal dahilan para mawalan ito ng kontrol sa kanyang pagmamaneho na humantong sa pagbaligtad ng sasakyan.

Kaagad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang driver at pahinante para masuri ang kalagayan na masuwerteng nagtamo lamang ng minor injuries.

Inaalam pa sa kasalukuyan ng mga awtoridad ang halaga ng pinsalang tinamo ng truck habang patuloy na nagpapagaling ang mga biktima.

Facebook Comments