
Suspendido ang face-to-face classes sa Pasay City simula bukas hanggang Huwebes, March 5 at 6, 2025.
Ito ay sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod kasunod ng rekomendasyon ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang mga paaralan ay maaaring gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo batay sa kakayanan ng paaralan at mga mag-aaral.
Ang suspensyon ng face-to-face classes ay bunga ng inaasahang pagtaas ng heat index sa susunod na dalawang araw.
Ang pagtaas ng heat index ay pasok sa kategoryang yellow-orange alert na nangangahulugan ng “extreme caution.”
Pinapayuhan ang publiko lalo na ang mga mag-aaral na manatiling hydrated, uminom ng maraming tubig, magsuot ng maninipis o preskong damit, at huwag munang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.