Faulty Electrical Wiring, Nakikitang Sanhi ng Sunog sa Isang Gusali sa Cauayan City

1844

UPDATE: Cauayan City, Isabela- Electrical Wiring ang nakikitang sanhi ng pagkasunog ng isang business establishment pasado alas siyete kagabi partikular sa Rizal Avenue, District 3, Cauayan City, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, *Faulty Electrical Wiring ang unang nakikitang dahilan ng mga bumbero na nagresulta sa pagkatupok ng isang gusali na inuupahan ng isang Computer shop, Parlor, Lechonan at tindahan ng Japan Surplus.*

Hanggang sa kasalukuyan ay umuusok pa ang nasabing establisyimento na tanging mga yero at pader na lamang ang naiwan.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa nangyaring malaking sunog.

Hindi na rin umano nakapagsalba ng mga gamit ang mga may-ari ng negosyo.

Umabot naman sa mahigit isang oras ang pag-apula sa apoy bago maideklarang fire out ang sunog.

Patuloy na inaalam ng BFP Cauayan City ang kabuuang pinsala ng nasabing sunog.




Facebook Comments