Filipino Community sa Ukraine, naghihintay ng malinaw na contingency plan sa harap ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine

499

Kinumpirma ng Filipino Community sa Ukraine na wala pang malinaw na abiso sa kanila hinggil sa contingency plan sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ito ay bagama’t marami nang mga dayuhan ang umalis na ng Ukraine sa takot na maipit sa gulo.

Ayon sa Filipino community doon, sa ngayon ay kinukuha pa lamang ng Philippine Consulate sa Ukraine ang contact details ng mga Pinoy roon na gusto nang umuwi ng Pilipinas.


Wala kasing embahada ng Pilipinas sa Ukraine at ang nakakasakop dito ay Philippine Embassy sa Poland.

Sa abiso naman ng Philippine Embassy sa Poland, lahat ng Pinoy sa Ukraine na nais nang umuwi ng Pilipinas ay libre ang pamasahe sa eroplano.

Ilan ding mga Pilipino sa Ukraine ang nagsimula nang mag-withdraw ng pera sa kanilang mga bangko doon.



Facebook Comments