Flights ng PAL sa Hong Kong, kanselado hanggang sa January 21

51

Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang flights nito patungong Hong Kong hanggang sa January 21.

Ito ay bilang pagtalima sa travel restrictions ng Hong Kong government sa ilang bansa, sa harap ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Nilinaw naman ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na tuloy pa rin ang biyahe ng kanilang eroplano patungo ng Hong Kong pero pawang cargo ang sakay nito at hindi pasahero.


Pagbalik ng Manila ng kanilang mga eroplano ay saka ito magsasakay ng mga pasaherong papasok ng Pilipinas mula Hong Kong.

Balik naman sa normal ang commercial flights ng PAL sa Hong Kong sa January 22.

Facebook Comments